Get me outta here!

Miyerkules, Enero 10, 2024

Talaan ng Nilalaman para sa Portfolio sa Filipino 7, 8, 9, at 10

 



Ang canva ay isang online platform na kung saan ay libre ang paggawa ng iba't ibang may kinalaman sa graphic designing. Maaari rin itong maidownload sa google playstore nang libre. 

Canva


Ang canva ay libre sa google playstore


Bilang guro ay aking hinihimok ang aking mga mag-aaral na subukan ang libreng online platform na ito sa kadahilang ito ay napapanahon at talaga namang magbibigay-daan sa mga mag-aaral ngayon na maipakita ang natatagong talento sa graphic designing. 

Sa post na ito ay libreng makukuha ang canva template para sa Talaan ng Nilalaman na kailangang ilakip sa inyong portfolio. Siguraduring mayroon kayong canva account upang maisagawa ito. Kung wala ka pang canva account, magregister nang libre dito: canva free registration.

Huwag kalimutang isulat sa itaas ang antas ng inyong kinukuhang asignatura, ito ay ang Filipino 7, Filipino 8, Filipino 9, at Filipino 10. Huwag ding kalimutan isulat ang mga impormasyong kinakailangan tulad ng inyong buong pangalan, baitang at ang inyong pangkat

Ang dahilan sa pagkakaroon ng ganito para sa inyong portfolio ay upang mas maging madali ang pagkuha ng inyong marka, mas malinaw, at mas organisado ang inyong mga awtput sa inyong portfolio.

Nililinaw din natin na hindi kinakailangang encoded ang talaan ng nilalaman para sa inyong portfolio. Maaari ring sulat-kamay lamang ito. Kung kaya, hindi maaaring sabihin na hindi kayo makapapasa ng inyong awtput.

Huwag kalimutang maging malikhain at mabusisi sa inyong paggawa. Sa pamamaraang ito ay maipapakita mo ang iyong talento sa pagguhit o graphic designing. Huwag ding mahiyang magtanong sa inyong guro o magcomment sa post na ito kung ikaw ay may katanungan o nais isangguni. 

Paalala: ipinagbabawal ang pagbebenta ng canva template na ito. Ito ay libre lamang para sa lahat. 

Narito ang link para sa libreng canva template ng talaan ng nilalaman: Talaan ng Nilalaman Canva Template.




















0 comments:

Mag-post ng isang Komento