Ang Sariling Wika
Ang sariling wika ng isang lahi
Ay mas mahalaga sa kayaman
Sapagkat ito'y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi,
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi at pagmithi.
Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso,
Ang kanyang mga pangarapin.
Mainit na pagmamahal na sa puso'y bumubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan?
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula.
Mananang wikang itinanim sa isipan
Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay.
Minana nating wika'y
Maihahambing sa pinakadakila
Ito'y may ganda't pino,
aliw-iw at himig na nakahahalina
Init nito't pag-ibig mula sa musa
Pagpahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha.
Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda
Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas ng himig ng tubigan
Tulad ng awit ng malamig nang hangin amihan.
Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga
Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig
Tulad mo'y walang katapusang awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak.
Sinulat ni Lourdes C. Punzalan mula sa orihinal nito sa Kapampangan
na may pamagat na "Ing Amanung Siswan nu Monico r Mercado"
Sanggunian:
Baisa-Julian, A.G., Lontoc, N.S, Esguerra, C.H., & Dayag, A.M.
(2014).
Pinagyamang Pluma 7. Quezon
City: Phoenix Publishing House.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento